Willie kinatigan ng CA sa apela ng ABS CBN

IBINASURA ng Court of Appeals (CA) ang apela ng higanteng media network na ABS-CBN na baligtarin ang naunang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) na huwag magpalabas ng temporary restraining order (TRO) upang mapigil ang bagong programa ni Willie Revillame sa ABC TV 5 na “Willing Willie”.

Matatandaang iniapela ng Kapamilya network sa CA ang naturang kaso nang tumanggi si QC RTC Branch 84 Judge Luisito Cortez na pagbigyan ang kahalintulad na kahilingan ng ABS-CBN.

“Premises considered, petitioner’s prayer for the issuance of a temporary restraining order is hereby denied,” anang Special 14th Division ng CA sa kanilang 10-pahinang desisyon na inisyu noong Nobyembre 18, 2010.

Kabilang sa nabigyan ng kopya ng naturang desisyon ang QC RTC Branch 84 na nag-abot naman sa ilang mamamahayag ng kopya nito.

Nag-ugat ang kaso nang magpetisyon si Revillame sa QC court upang kilalaning legal ang kanyang naging desisyon na tapusin na ang kontrata niya sa ABS-CBN matapos ipatigil ng TV network ang tanyag na programang “Wowowee”.

Humingi rin si Revillame ng P11 milyon na danyos.

Gumanti naman ang ABS-CBN nang maghain ito ng counter-claim, kasabay ang paggigiit na may bisa pa ang kanilang kontrata kay Revillame at hiniling din ng Kapamilya network na magbayad ang TV host ng danyos na nagkakahalaga ng P486 milyon.

Ayon sa appellate court, posibleng makaapekto sa pangunahing kaso ang paglalabas ng TRO kaya mas mainam na hindi na muna mag-isyu nito.

“In the case at bar, the issuance of a desired restraining order against Revillame would be tantamount to a virtual conclusion of grave abuse of discretion on the part of the public respondent Judge,” anang CA.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply