Wolves dinagit ng Hawks

Muling nakabawi ang Atlanta Hawks matapos nitong payukuin ang Minnesota Timberwolves kahapon, 111-105.

Ginamit ng Hawks si Kevin Love at naging epektibo naman base sa pagtataya ni coach Larry Drew.

Si Al Horford ay kumamada ng 28 points at 10 rebounds habang si Love ay nakasikwat ng 22 points at 17.

Ang Hawks ay lamang ng 15 sa 93-78 bago matapos ang final period saka sinelyuhan ang panalo.

Samantala, panalo ang San Antonio Spurs laban sa Oklahoma City Thunder, 117-104.

Si Matt Bonner ay tumipa ng 21 points kung saan umani pa ng best 3-point shooting na naitala sa unang pagkakataon sa hanay ng Spurs.

Ang Detroit Pistons naman ay pinadapa ang Sacramento Kings sa iskor na 100-94.

Humakot si Rodney Stuckey ng 17 points habang si Ben Gordon ay kumana ng tres bago matapos ang laro.

Ayon kay Gordon, sa fourth quarter lang siya nakabawi dahil sa mga naunang kanto ay hindi pumapasok ang mga tira niya.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply