Woods nagpasiklab sa Masters

Sa kanyang kauna-unahang pagdepensa ngayong taon, si Tiger Woods ay humataw sa Australian Masters ng 2-under 69 at apat na lang ang inilamang ng mga nangingibabaw sa Victoria Golf Club.

Si Woods ay nakasablay lang ng dalawang greens at nakalikom naman ng par mula sa bunker.

Ayon kay Tigers, kuntento na rin siya sa kanyang nagawa.

Aniya, mas maigi na rin iyon kaysa mangulelat siya.

Dagdag pa ng kampeon, sa mga susunod na araw ay sisikapin niyang makaratsada nang husto upang hindi maagaw sa kanya ang hawak niyang korona.

Matatandaan na matapos ang palaro noong isang taon, nabunyag ang pagkakasalpok ng sasakyan ni Woods sa isang fire hydrant malapit sa kanyang mansiyon sa Florida hanggang sa mabulgar naman ang pagkakasangkot niya sa sex scandal.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply