Zambales 2 beses nilindol

DALAWANG magkasunod na lindol ang naitala sa Zambales na may magnitude 4, madaling araw ng Huwebes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang unang pagyanig bandang 2:30 a.m., na may 4 magnitude.

Nabatid sa Phivolcs na ang naturang pagyanig ay may epicenter sa 113 km northwest ng Iba, Zambales, na may tectonic origin, ngunit hindi naman malaman kung saang parte ng naturang lugar naramdaman ang pagyanig.

Naitala naman ang pangalawang pagyanig na may magnitude 2.8 bandang 5:21 a.m., na may epicenter sa 52 km southwest ng Iba.

Wala namang napaulat na nasirang ari-arian at walang ring naitalang aftershocks.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply