Zero crime inaasahan sa laban ni Pacquiao

POSIBLENG walang magaganap na kriminalidad sa darating na Linggo, Nobyembre 14 dahil nakatutok ang lahat ng Pilipino sa laban nina Saranggani congressman at pound-for-pound king Manny “Pacman” Pacquiao laban kay Mexican boxer Antonio Margarito sa Dallas Texas.

Ayon sa  NCRPO, kanilang inaasahan ang pagbaba ng kriminalidad sa Kalakhang Maynila at buong bansa kung saan magiging abala muli ang sambayanang Pilipino upang panoorin ang laban ng dalawang boksingero.

Patuloy pa ring magbabantay ang buong kapulisan sa Metro Manila upang tiyakin ang katahimikan at posibleng pagbabanta ng mga terorismo na posibleng umatake sa mismong laban ng pambansang kamao.

Sinabi naman ni NCRPO director Chief Supt. Nicanor Bartolome na magpapakalat pa sila ng karagdagang puwersa ng pulisya mula sa mga matataong lugar, gaya ng shopping malls sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at mga paliparan. Gaynor Bonilla

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply