‘Bagong buhay sa bagong bahay’— PRC

SA wakas ay nagkaroon na ng katuparan ang pangarap ng isang komunidad na magkaroon ng sariling silungan dahil sa Philippine Red Cross (PRC).

Natuldukan na ang paghihintay ng ilang mga pamilyang nawalan ng tahanan dulot ng matinding hagupit ng bagyong Ondoy sa bansa.

Bilang bahagi ng walang katapusang pagkakawangawa at kasabay ng paggunita sa tunay na diwa ng Pasko, pormal na ipinagkaloob ng Philippine Red Cross (PRC) ang unang  400, mula sa 1,100,  ang mga bahay (transitional shelters)  sa mga pamilyang biktima ng bagyong Ondoy sa Sitio Sumilang, Barangay San Jose, Antipolo, Rizal.

Upang muling makapagsimula ng panibagong buhay sa kanilang bagong bahay, kasabay na ibinigay din ng PRC sa naturang mga benipisaryo ang karagdagang 400 na gamit sa kusina at sanitation kits.

Pinangunahan ni PRC Chairman and CEO Richard J. Gordon at  PRC Secretary General Gwendolyn Pang ang seremonya nitong Disyembre 22, 2010, tatlong araw bago sumapit ang Kapaskuhan.  Kasama din si Rizal Province Governor Casimiro Ynares, III, Antipolo City Mayor Danilo Leyble, at iba pang mga bisita.

“Christmas is one of the most celebrated occasions in the Philippines; and hopefully, this activity will further give some of the Typhoon Ondoy affected families more reason to rejoice,” wika ni dating Sen. Gordon.

“We truly understand that most, if not all, of them tremendously suffered from late last year’s super typhoon’s attack; but despite the said desolation, we are looking forward that this event could help them rebuild their lives,” dagdag pa nito.

Ayon pa sa Chairman ng PRC, target ng ahensiya na makapagpatayo ng 3,476 transitional shelters para sa mahihirap na pamilyang nabiktima ng magkakasunod na kalamidad noong 2009, ang Ondoy at Pepeng.

Sa talaan ng PRC nitong Disyembre 20, umabot na sa kabuuan na  1,744 transitional shelters ang naitayo nito kabilang ang mga lugar sa Benguet, La Union, Laguna, Kalinga, Pangasinan, and Rizal;  bukod pa sa 5,418 shelter repair kits na naipamahagi na sa bansa para sa mga pamilyang nawasak ang bahay dahil sa nasabing mga bagyo.

“Currently, we are at the rehabilitation stage of our Typhoons Ondoy and Pepeng operation,” pagbabahagi naman ni Ms. Pang, kasabay ng kasalukuyang proyekto ng transitional shelters.

“Other than transitional shelters, we are also working on the provision of livelihood programs for those typhoon-affected families who wish to start income generating activities,” giit pa nito.

Samantala, base sa pinakahuling tala, umaabot sa 986 families ang mga pamilyang nakinabang na mula sa livelihood program ng PRC. Bawat isa ay nakatanggap ng  Php 7,000.00, na magsisilbing puhunan o capital sa pagsisimula ng isang bago at maliit na negosyo.  Ito ay upang magkaroon sila ng mapagkukunan ng pang-araw-araw na gastusin.

Sa kabuuan naman, naitala ng PRC na nakapagpamahagi na ito ng mahigit sa 15,000 bahay sa buong bansa particular samga lalawigan ng Southern Leyte, Albay, Camarines Sur, Catanduanes, Marinduque, Mindoro Oriental, Quezon, Aurora, Isabela, Nueva Ecija, Quirino, Sorsogon, Lanao del Norte, Iloilo, and Aklan—para sa mga pamilyang apektado ng matinding mga kalamidad mula pa noong taong 2005. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply