‘Empleyado’ ng BoC tiklo

NAGBABALA ang Manila Police District (MPD) sa publiko ukol sa modus operandi ng isang 47-anyos na nagpakilalang empleyado ng Bureau of Custom (BoC) na nakatangay ng P97,000 cash para sa umano’y bibilhing mga cellphone sa South Harbor sa Manila kamakalawa ng umaga.

Hawak ngayon ng MPD-General Assignment Section (GAS) ang suspek na si Jeffrey Jemina ng 245 K. Vergel St., Pasay City dahil sa reklamo ni Madeleine Lim, 42, ng 111 Rodeo dr., Corinthian Village, Quezon City.

Sa report ni Senior Insp. Marcelo Reyes, hepe ng MPD-GAS, dakong 11:45 ng umaga nang naganap ang insidente sa loob ng Customs Gate 3, Port Area, South Harbor, Manila,

Ayon sa  biktima, nagpakilala umano ang suspek na empleyado ng BoC at nag-alok ng mga murang cellphone.

Nang makumbinsi ito ng suspek ay humingi sa kanya ng halagang P97,000 cash at sinabihan na maghintay lamang sandali at kanyang kukunin ang mga cellphone sa loob ng opisina ng BoC.

“Naniwala ang biktima na empleyado ito ng BoC nang nakitang pumasok ito sa loob kaya nagtiwala ang biktima” ayon kay Reyes.

Nagtaka naman ang biktima nang  hindi na nito mahintay pang bumalik  ang suspek  kaya humingi na ito ng tulong sa isang Special Agent 2 Samuel Labay na nakatalaga sa Custom Gate 3, Port Area, South Harfbor, Manila na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Si Jemina ay sinampahan ng kasong Estafa sa City Prosecutors Office. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply