‘Five commandments of a drug-free Philippines’

DROGA ang tunay na problema ng bansa at hindi ang pagbagsak ng ekonomiya.

Dahil sa talamak na pagpasok ng droga sa bansa at paglobo ng  mga gumagamit nito, inilunsad ng dating Chairman ng Dangerous Drug Board (DDB), Senator Vicente Sotto III at DDB Vice-chairman Atty. Paul Clarence Oaminal ang limang kauutusan upang maging malaya sa droga ang Pilipinas.

“BE drug free. Strengthen your family. Never allow yourself to become a co-dependent. Verbalize and put into action your stands against drugs.  Be a hero.”

DOH tiniyak na isasama ang drug rehabilitation sa PhilHealth coverage

TINIYAK ng Department of Health (DOH) kay Senate Majority Floor Leader Vicente Sotto III na isasama nito ang ‘drug rehabilitation’ sa PHILHEALTH coverage.

Ito ang kinumpirma ni Health Secretary Ona sa Senate budget deliberation ng Department of Health.

Labis na ikinatuwa ni Sotto ang pagpapahayag ng suporta ng DOH  para sa kaniyang kahilingan na maisama sa coverage ng PhilHealth ang drug rehabilitation.

Bilang dating chairman ng Dangerous Drug Board (DDB) sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Arroyo, naniniwala si Sotto na malaki ang maitutulong ng rehabilitasyon sa kampanya laban sa droga at sa tuluyang ‘recovery’ ng mga ‘residents’ sa drug rehabilitation centers sa bansa at mapanumbalik sa kanilang normal na buhay.

Base sa 2009 data ng DDB, umaabot sa 3,000 katao ang sumasailalim sa rehabilitasyon.  “This pales to the estimated 1.7 drug dependents in the country. The inclusion of drug rehab in the Philhealth coverage will make it affordable and would encourage the families of drug dependents to have their members rehabilitated”, ayon kay Atty. Paul Clarence Oaminal, dating Vice-chairman, DDB.

Sa ginanap na Media Seminar on Health Reporting, “From Womb to Tomb” sa Banilad, Cebu City, bahagi ng seminar ay ang pagbisita sa drug rehabilitation center sa Argao, Cebu na pinangangasiwaan ng DOH.  Ito ay dating nasa pangangalaga ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay Dr. David A. Baron, addiction specialist ng Argao drug rehabilitation center, ‘residents’ ang dapat na itawag sa mga indibiduwal na inilagak dito at hindi ‘inmates’ dahil hindi naman sila lubhang masasama.

Aniya, maituturing na ang tinatawag na “peer pressure” ang pangunahing dahilan kung bakit nalululong ang isang tao sa droga.  “Most of them are products fo dysfunctional family.  That’s why strong family relationship is very important.  Parents should be the role model.”

Iginiit pa ni Baron na mas malala ang pagka-addict sa droga kesa ang pagka-addict sa sex.  “Addiction is already a disease like cancer. If you are a drug addict, you’re always craving for a drug.  Kahit gaano pa kaganda ang asawa mo, kahit beauty queen pa siya, ipagpapalit mo siya sa droga.  Kaya nga, you can’t change an addict in just seven months.  This is the most difficult to treat. Patients are treated sa kanilang behavior but we don’t give drug treatment here.”

Sinabi pa nito na 95 porsiyento ng mga krimen sa bansa ay drug related.  Pero ang addiction ay maiiwasan, kayang kontrolin sa pamamagitan ng pagdidisiplina.

Nasa 70 porsiyento ani Baron na masasabing ‘most addicting’ ay ang shabu dahil masarap aniya ang tama nito.  Kasunod ang marijuana, nubain at rugby.

Dahil dito, sinabi pa ni Sotto na ang  DOH budget sa 10 government run rehabilitation centers ay umaabot lamang sa P258 million.  Kaya nga nais nito na  na ang P80 million ng P880 million para sa contraceptives ay mailagay o ma-realigned rehabilitation centers.

“The inclusion of drug rehab in the Philhealth coverage will make it affordable and would encourage the families of drug dependents to have their members rehabilitated,” ani Sotto.

Samantala, sa pinakahuling pagbisita ng senador sa kaniyang lupang sinilangan sa Cebu City kasabay ng paglulunsad ng kampanya para sa mga batang may cancer,  iginiit din nito ang pagsusulong sa realigning ng  100 million pesos sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa  Cancer Institute nito.

Kawalan ng aksiyon, cocaine makapipinsala sa bansa

Iginiit ni dating DDB Vice-Chairman Atty. Paul Clarence Oaminal na tuluyang makapipinsala sa bansa ang kawalan ng pangil ng gobyerno na sugpuin ang patuloy na paglaganap ng cocaine o droga.

Hindi aniya maikakaila na nasa bansa na nga ang Latin American drug, patunay na marami nang naaresto dahil dito mula nitong Hunyo 2010.

Ang pagkakaaresto sa isang mambabatas sa Hongkong airport dahil sa pagtatangkang pagpuslit ng ‘party stash of cocaine’ ay isang ebidensiya o patunay na talamak na nga ang  cocaine sa bansa.

Patunay din ito na bigo ang mga awtoridad na masugpo ang talamak na cocaine sa Samar.  “But what we have now are stale facts and data.”

Magugunita na two metric ton o dalawang kilo ng cocaine mula sa isang barko galing sa  Hongkong ang ibinaba sa mataas na karagatan ng Samar noong Disyembre 2009.

Isang linggo makalipas ang insidente sa Samar, 16 na kilo ang aksidenteng natagpuan sa loob ng container vans sa Davao City.

Paano nga ba nag-react ang gobyerno dito?  Nagsampa ito ng reklamo laban sa  rank and file employees ng multinational shipping lines. Hinggil sa cocaine sa Samar, tinapatan nito ng isang sakong bigas sa bawat  ‘cocaine brick’ na naisu-surrender. Ini-release ito noong buwan ng Mayo, limang buwan matapos na irekomenda nina yumaong Press Secretary Remonde at former DDB Vice Chairman Oaminal kay dating Pangulong President Gloria Arroyo ang ‘reward system.’

Makalipas ang 10 buwan,  ang kaso laban sa nasabing mga empleyado ay nananatiling ‘in limbo’ o nakabingit sa ere na naghihintay ng paglilitis sa Regional Trial Court sa Davao City at ang  Samar cocaine na umaaabot sa 500 kilo na nabawi.

Ayon kay Oaminal, walang matinong tao na may sapat na pag-iisip ang basta maniniwala na ang ‘rank and file employees’ ay may kakayahang mag-smuggle o magpuslit ng 16 na kilo ng cocaine.  Ang tanong ngayon dito ayon sa dating VC ng DDB,  “would the government continue to fool itself that it ends there? That no one masterminded the smuggling of the cocaine? Is President P Noy also afraid to dig deeper in the smuggling of cocaine in Davao City wharf? Would the present administration be relaxed for the recovery of the one fourth of the stash? That 1,500 kilo of cocaine is still missing.”

Kasabay nito, hinamon ni Oaminal ang Pangulong Noynoy Aquino na rebyuhin ang kaso na isinampa laban sa mga kawani kung talagang seryoso si PNoy sa isyu ng droga.

1. Review the case filed against the employees and offer as state witness the employees for them to reveal who masterminded the smuggling of the cocaine in Davao City by Maersk Shipping Lines.

2. Come up with a comprehensive and unified strategic action plan with PDEA, PNP, AFP and DILG on the recovery of the cocaine in Samar. Which includes a viable reward system and tactical operations on those groups or individuals feloniously hiding the cocaine.

3. Order a physical inspection of all container vans in the Philippines that came from Malaysia, Latin America, Afghanistan and other identified areas of transshipment point of cocaine. A warning has been made last December that we are a nation in slumber, we hoped that the present administration will have the guts to awaken itself from false slumber. The President should not be surprised that next year the second drug of choice and thousand of Filipinos will be hooked on cocaine, this is if his policy remains to be “inaction”,” giit pa ni Oaminal.

Drug testing muna sa mga empleyado bago bonus

Bago pa ang nakatakdang pagbibigay ng bonus kasabay ng pagdiriwang ng Kapaskuhan, umapila si Oaminal sa Local Chief Executives na i-require ang mga empleyado na sumailalim sa drug test bago tumanggap ng kanilang Christmas Bonus. Iginiit nito na dapat na ipatupad ng government offices ang ‘drug testing’ dahil isinusulong natin sa mga pribadong tanggapan ang isang  “Drug Free Workplace Program”.

Kapansin-pansin aniya na nananatiling ‘dedma’ ang karamihan sa government offices kaugnay sa isyung ito.

Ang stratehiyang ito ay ipinatutupad ni Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos. “If Mandaluyong could do it, why can’t the rest of the local government units have the political will to replicate it.”

Kumpiyansa si Oaminal na kung bakit may mga gobernador, mayor at barangay captains na patuloy na nagmamatigas na i-adopt ang “Drug Free Workplace Program” sa kani-kanilang hurisdiksiyon dahil malinaw na natatakot sila na madiskubreng positibo sa droga ang kanilang mga nasasakupan. “Chief Executives must even be the first to undergo drug test for them to have moral ascendancy over their employees.”

“One of the reasons for the cynicism of the public in government efforts in the drug campaign is the perception that there are government employees who are drug users. We have to erase this perception to earn public trust.”

Ikinatutuwa naman ni  Oaminal ang pagpapalabas ni Davao City Mayor Sara Duterte ng isang Executive Order  nag-a-adopt ng  “Drug Free Workplace Program” sa city government.

Nilinaw pa ng dating DDB VC na hindi intensiyon ng  pagsasgawa ng drug testing na arestuhin ang drug users.
“When someone turns out to be positive, the test still has to undergo confirmatory analysis and the employee will undergo counseling. It is only when after a Drug Dependency Examination has been conducted confirming that the personnel is indeed a drug dependent that he/she shall undergo treatment before a rehabilitation center.”  Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply