‘Kuliglig’ bawal pa rin sa Maynila

SA kabila ng nangyaring karahasan sa isinagawang kilos-protesta ng mga kuliglig drivers, tuloy pa rin ang panghuhuli sa mga ito sa Maynila.

Batay kay Manila Mayor Alfredo Lim, titiyakin nilang hindi na makapanggugulo ang mga drayber ng kuliglig gaya ng nangyari sa nakaraang kilos-protesta.

Kaugnay nito, muling nilinaw ng alkalde na hindi nila pinagbabawalang maghanap-buhay ang mga drayber ng kuliglig at nais lamang ng pamahalaang lungsod na tanggalin na ng mga ito ang motor ng kanilang mga sasakyan at gawin itong depadyak na lamang upang hindi lumabag sa Clean Air Act.

Lahat aniya ng mahuhuling kuliglig ay agad na ii-impound at kakasuhan ang mga drayber at operator nito.

Sinabi ni Lim na handa naman silang makipag-dayalogo sa kampo ng mga drayber ng kuliglig.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply