‘Modus operandi’sa Kongreso nabuko

PINAIIMBESTIGAHAN na ng isang kongresista ang posibilidad ng sabwatan sa pagitan ng ilang pampublikong ospital at empleyado ng Kamara de Representantes sa pamemeke ng pirma ng mga kongresista para magamit ang Priority Development Assistance Funds (PDAF) ng mga mambabatas.

Sa Lingguhang press conference ng Minorya sa Kamara, ibinunyag ni Deputy Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez na may kasabwat na empleyado sa Kamara ang sindikato at ilang pagamutan gaya ng Heart Center.

Giit ni Suarez na kailangang matawagan ng pansin ang mga mambabatas upang matigil na ang pagnanakaw sa pondo ng bawat kongresista.

Inihayag ni Suarez na natuklasan niya ang modus na ito nang tumawag sa kanya ang tagapangasiwa ng Heart Center upang ipinagbigay alam ang hinggil sa ilang pasyente na binigyan umano ng sertipikasyon para makapagpagamot sa nasabing ospital.

Nagulantang ang mambabatas nang makita niya ang anim na certification o guarantee letter na may kabuuang P37,000 na pawang naka-charge sa alokasyon ng mambabatas.

Nakapangalan sa iba’t ibang pasyente ang medical certifications na pawang pineke ang pirma ng mambabatas at ang pagkakapareho ng pagkakagawa ng logo at porma ng sulat.

Ayon kay Suarez umaabot sa P500,000 ang kanyang inilalaan sa Heart Center para sa limang pasyente kada linggo kung kaya kagulat-gulat aniya na umabot sa anim na pasyente ang nabigyan ng guarantee letter.
Meliza Maluntag

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply