‘P83M ng TruthCom ilagay sa edukasyon’

UMAPELA ang mga kongresista kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na ilagay na lamang sa mga programang pangkalusugan at pang-edukasyon, partikular sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), ang P83-milyon alokasyon ng Philippine Truth Commission, bagama’t idineklara itong “unconstitutional” ng Korte Suprema.

Binigyang-diin ni Assistant Minority Leader at Zambales Rep. Ma. Milagros “Mitos” Magsaysay na marapat lamang na ilagay sa edukasyon at kalusugan maging sa hudikatura at State Universities and Colleges (SUCs) ang nasabing halaga.

“We still lack budget for those things. In fact, there are a handful of items which this budget can be realigned such as scholarships for tertiary education and Tesda, among other things,” ayon kay Magsaysay.

Sinuportahan naman ito ni Laguna Rep. Justin Marc Chipeco, sa pagsasabing ang karagdagang pondo para sa Tesda ay sisiguro sa mas mabuting pagsasanay para sa mga graduate ng technical-vocational education sa bansa.

“I am appealing to pour more resources to Tesda so that trainings of their instructors will remain a priority to enhance more their teaching skills for better technical-vocational graduates,” ani Chipeco.  Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply