‘Sipsip-Krudo’ sa Makati simula na

PWEDE na umanong matulog nang mahimbing ang mga residente ng Barangay Bangkal, Makati City, matapos kumpirmahin ng mga eksperto ang lokasyon ng bulto ng mga tumagas na produktong petrolyo mula sa nasirang pipeline ng First Philippine Industrial Corp. noong Hulyo.

Sa pinakahuling pagbisita sa mga apektadong lugar kahapon, sinabi ni Edmund Piquero, opisyal ng CH2MHILL, isang US-based company na umano’y eksperto sa rehabilitasyon ng mga kontaminadong lugar at pagsipsip sa mga kumalat na petrolyo mula sa sirang pipeline, malayo sa matataong lugar ang bulto ng tumagas na gasolina at diesel ang lokasyon ng mga ito.

Bunga nito, wala umanong basehan ang ikinakalat na balita ng ilang grupo na apektado ang mga matataong lugar sa nasabing barangay sakaling aksidenteng sumabog ito.

Una nang sinabi ng mga eksperto mula sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) na “imposible” ang pinangangambahang pagsabog at mas kagyat umanong problema ay ang paghahanap sa bulto ng mga tumagas na produktong petrolyo, pagsipsip sa mga ito at ang pagkukumpuni ng nasirang pipeline.

Noong isang buwan, sinimulan na ng CH2MHILL ang paglalagay ng mga recovery at monitoring wells sa bisinidad ng Barangay Bangkal at West Tower Condominium upang tukuyin ang bulto ng tagas, na nabatid namang naiipon sa mga lugar ng  Bonifacio St. at P. Garcia St. kung saan nakatirik ang West Tower, at bahagi ng service road ng Osmeña Highway.

Ang mga apektadong lugar, ani Piquero, ay may kabuuang sukat na mahigit 9,000 square meters habang aabot na lang sa mga 8,000 drum ng gasolina at diesel ang kailangang masipsip mula sa ilalim ng lupa.

Bunga nito, agad nang sisimulan ang aktwal na pagsipsip sa mga tumagas na produktong petrolyo upang mapabilis ang rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.

Sa unang pagtataya ng kumpanya, sa Enero pa ng susunod na taon nila posibleng masimulan ang pagsipsip, subalit agad na nilang isasagawa ito matapos matumbok ang mga lugar na kailangan nilang tutukan ng pansin.

Ang pagbisita sa Barangay Bangkal at West Tower Condominium ay ikalawa na sapul noong isang buwan matapos pangunahan ni Sen. Juan Miguel Zubiri ang “ocular inspection” upang personal na alamin ang lawak at laki ng apektadong lugar dahil sa fuel leak.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply