‘Smokey Mountain scam’ pinasisiyasat

ISANG kongresista ang humiling na kanyang mga kasamahan sa House of Representatives na siyasatin ang umano’y Smokey Mountain scam na kinasasangkutan ng ilang opisyal ng Housing Guaranty Corp (HGC).

Nanawagan din si Bagong Henerasyon Rep. Bernadette R. Herrera-Dy sa Malakanyang na kanselahin ang panibagong “zero-coupon bonds” na magma-mature sa 2011.

Binanggit ng mambabatas na suportado niya ang panawagan ng Commission on Audit (COA) na harangin ang pagtatangka ng HGC na mag-isyu ng P5-5 billion na seven-year coupon.

Nauna rito ay naghain din ng resolusyon si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na siyasatin ang isa pang usapin ukol sa maanomalyang subastahan kung saan isinuko ng HGC ang Harbor Center Port Terminal Inc. (HCPTI) sa  RII Builders.

Sinuportahan din ni Herrera-Dy ang mga panawagang agad na bawiin ang HCPTI investments dahil malaking tulong sana ito sa HGC na makakolekta ng pondo na ipantatakip sa bonds na nakatakdang mag-mature sa 2011.

Aniya, hiniling din ng COA sa HGC na “establish absolute ownership over HGC’s common and preferred shares of stock” na may tinatayang halagang P1.464 bilyon.  Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply