“Di ko binugbog ang sekyu!”— Mayweather

SA kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na rin si boxing superstar Floyd Mayweather Jr. hinggil sa paratang ng isang sikyu laban sa kanya.

Ayon kay Mayweather, hindi niya ito sinaktan o kaya ay dinuro ngunit hindi naman itinanggi ng boksingero na minura niya ito.

Ayon sa ulat, pinagmumura ni Mayweather ang sikyu matapos siya nitong hingan ng ID gayung doon naman siya nakatira sa village.

“Let me in my mother f**king house!!! You know who I am man … let me in my house!!!” ang sigaw umano ng boksingero, at idinagdag pa na,
“Stop giving me a hard time … you don’t give Maloof a hard time … you don’t ask him for ID when he comes.”

Idinagdag pa ni Mayweather na dati na niyang nakaalitan ang sikyu kaya may hinala siyang gumaganti lamang ito sa kanya.

Hindi naman nagkomento ang boksingero hinggil sa pananahimik niya sa laban niya kay Manny Pacquiao. Gilbert Perdes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply