“Hopkins nadaya!”—Golden Boy

BINIGYANG diin ni Golden Boy CEO Richard Schaefer na dapat ikasa ang pangalawang laban nina Bernard Hopkins at Jean Pascal na ang laban nitong Linggo ay nauwi sa draw sa Canada.

Ayon kay Schaefer, isang malaking kahihiyan sa panig ng Canada ang nangyari dahil alam naman umano ng mga fans na nanalo si Hopkins .

“It’s really a shame, it’s a shame for Canada , it’s a shame for boxing to have a decision like that. We had Canadian people, Canadian fans come up to us and tell us he (Hopkins) won. That is what is wrong with boxing. He sure didn’t lose, I think if you think that, you don’t know what boxing means,” wika ni Schaefer.

Sinabi pa nito na dismayado sila sa resulta kaya naman ay maghahain sila ng protesta sa WBC.

Idinagdag ni Schaefer na ang WBC ay dapat ipakakasa ang rematch kaagad-agad dahil ito’y mali kaya maghahanap pa sila ng iba pang legal remedies dito.

“What really jumps out to me is that 10th round. It is unexplainable to me. It is ridiculous,” diin pa ni Schaefer.

Iginiit pa ni Schaefer na kung ipipilit ng kampo ni Pascal na humarap kay Chad Dawson ay maaaring mahubaran ng korona ang kampeon.

Nagbanta pa ang GBP CEO na gagastos sila ng malaki upang makasuhan ang WBC at gayundin ang Canadian commission. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply