1 MILF member na sinanay ng JI, timbog

NAHULI ang isa sa mga wanted na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Maguindanao.

Ayon kay Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Regional Police Director C/Supt. Bienvenido Latag, naaresto ang suspek na si Datu Mama Abpa alyas “Dats” sa hideout nito sa Bgy. Bagundang sa Pendatun sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni General Santos City Regional Trial Court (RTC) Judge Antonio Lubao.

Nabatid na nahahrap sa kasong multiple murder at frustrated multiple murder at may patong na pabuya na P600,000.

Inihayag ni Latag na si Abpa ay isa sa mga miyembro ng Elite MILF Special Operations Group na sinanay ng Jemaah Islamiah (JI) bomb-maker na si Javidi Safiri sa paggawa ng improvised explosive device (IED).

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply