1 patay, isa sugatan sa Gang war

UTAS ang isang lalaki habang sugatan naman ang kaibigan nito makaraang kuyugin at saksakin ng 10 kalalakihan na umano’y kaaway ng kanilang grupo kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Namatay sa Dr. Jose Rodrigues Hospital sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan si Jessie Cabuguang, 23, ng Barrio Sta. Rita, Tala ng nasabing lungsod habang inoobserbahan sa East Avenue Medical Center (EAMC) si Ferdauzi Ombawa, 20, na nagtamo rin ng tama ng saksak sa katawan.

Patuloy namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng 10 suspek na mabilis na nagsitakas matapos ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Constantino Guerrero, ganap 6:45 ng gabi nang pagsasaksakin ang mga biktima sa Quiricada St. , Brgy. 188, Tala, Caloocan City.

Nabatid na nakikipagkuwentuhan ang mga biktima kasama ang iba pa nilang katropa nang dumating ang mga suspek na armado ng patalim hanggang sa pagtulungang bugbugin at pagsasasaksakin ang mga biktima. Roger Panizal

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply