$10-M civil suit isinampa vs Pacquiao

Siniguro ni 8-division world champion Manny Pacquiao na wala siyang obligasyon sa recording company na nagsampa sa kanya ng $10 million civil suit sa Amerika.

Sa lumabas na legal document mula sa abogado ng Filipino ring icon, sinabi ni Pacquiao na na-iinggit lamang umano ang kanyang mga dating business partners sa malaking kinita nito sa kanyang huling laban sa boxing, kung kaya’t balak nilang siraan ang pound-for-pound king.

Binanggit pa sa dokumento na may utang pa sa katunayan ang recording firm na RBM Group International kay Pacquiao dahil batay umano sa pag-uusap, babayaran nila ang boxer/recording artist ng $160,000 o tinatayang P8 million pero sa halip ang natanggap lamang umano ni Manny ay $40,000.

Ayon sa complainant, taong 2009 pa umano lumagda ng kontrata sa kanila ang bagong WBC super welterweight champion para gumawa ng 12-songs album, pero hanggang ngayon ay tumatanggi pa rin umano si Pacman na gawin ang proyekto.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply