10 sa Morong 43 di pa nakalalaya

MAKALIPAS ang ilang buwang pagkakapiit nakalaya na rin ang may 30 Morong health workers, subalit nakakulong pa rin ang sampung kasama nila sa Bicutan, Taguig at Camp Capinpin, Tanay, Rizal.

Napag-alaman na hindi pinalaya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang limang iba pang health workers na nasa camp Bagong Diwa, Bicutan dahil sa iba pang kasong kinakaharap ng mga ito, tulad ng paglabag sa Bouncing Checks Law.

Subalit ayon mismo sa AFP, maaaring kapangalan lamang ang mga ito ng limang lalaking health workers.

Kaugnay nito isinasailalim sa social integration program sa Camp Capinpin ang limang iba pang health workers matapos umanong umamin ang mga ito na miyembro sila ng makakaliwang grupo.

Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Benigno Aquino III na i-urong na ang kasong illegal possession of firearms and explosive laban sa Morong 43 dahil sa umano’y depektibong pagsisilbi ng AFP sa search warrant sa isinagawang raid sa Morong, Rizal noong nakaraang Pebrero. Santi Celario

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply