13 kuliglig drivers laya na

MATAPOS ang dalawang araw na pagkakapiit bunsod ng nakaraang masalimuot na protesta ng mga kuliglig drivers, 13 sa 16 na inarestong mga drayber ang pinalaya matapos makapagpiyansa, gabi ng Biyernes.

Batay sa report ng dzBB, naiwan pa sa piitan ang dalawa pang drayber habang ang  isa na menor-de-edad ay inilipat naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Lawyer Jules Matibag, nahaharap ang dalawang nakapiit na drayber sa mga kaso kung kaya hindi pa ito pinakawalan.

Kinasuhan ng mga pulis ang 16 na kuliglig drivers ng assault of person in authority, obstruction, at illegal assembly.

Matatandaang 12  katao ang nasugatan sa barikada sa Burgos Street, Manila makaraang magsagawa ang mga kuliglig drivers ng kilos-protesta, upang isatinig ang kanilang hiling na payagan silang makapagbiyahe sa main streets ng lungsod.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply