Law protecting child offenders should be amended – solon

ITINULAK ng isang mambabatas na amyendahan ang batas na nagbibigay proteksyon sa mga kabataang nasasangkot sa iba’t ibang krimen mula sa pagkakakulong.

Sa kanyang House Bill 3815, sinabi ni Iloilo Rep. Jerry Treñas na dapat nang susugan ng Kamara ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 o Republic Act 9344.

Aniya, ang nasabing batas ang nagiging daan para sa mga sindikato na ipagpatuloy ang kanilang mga ilegal na operasyon nang hindi napaparusahan.

“The number of juvenile offenders has risen, and there is no secret too the reason behind it. Minors are being recruited to join these gangs in order to commit crimes because criminal liabilities do not attach to those below the age of majority,” anang kongresista.

Sa ilalim ng R.A. 9344, ang mga kabataang may edad 15 pababa ay ligtas sa anumang pananagutan kriminal at di rin sila maaaring mabilanggo.

Upang maitama ang kanilang mga maling pag-iisip at gawain, dinadala ang mga child offender sa Department of Social Welfare and Development para sa kanilang rehabilitation.

Ngunit ayon kay Treñas, dapat na magkaroon ng kriminal liability ang mga menor de edad na umaanib sa gang o sindikato.

Ang mga kabataang may edad 12 hanggang 18 na nakapatay o nanggahasa ay dapat na ring ituring na mga ordinaryong kriminal dahil ang mga may ganitong edad ay batid na na kung ano ang tama o mali, ayon sa mambabatas.

Dapat din aniyang papanagutin o makulong ang sinumang nasa likod ng sindikato na siyang nag-rerecruit sa mga kabataan sa paniwalang ang kanilang aaniban ay fraternity lamang. Meliza Maluntag

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply