15 sundalo sugatan sa vehicular accident

SUGATAN ang 15 sundalo makaraang maaksidente sa Catanduanes, dakong 10:00 ng umaga.

Base ssa report ni 83rd Infantry Battalion Commander Danilo Aquino, galing sa security operations sa bayan ng Virac ang 20 sundalo kaugnay sa paggunita ng International Human Rights Day nang mawalan ng preno ang sinasakyan nilang trak sa pababang bahagi ng kalsada ng Barangay San Jose sa bayan ng Lictin.

Iniwasan aniya ng drayber na si Corporal Paz na bumangga ang minamaneho nitong trak sa kasalubong na tricycle, dahilan kaya tumagilid ito sa tabi ng kalsada.

Nakilala ang apat sa mga sugatan na sina Private First Class Jay Batanes, Private Kenneth Olivenza, Jerome Tongga at Alex Brotamante na dinala sa isang ospital sa Virac.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply