Bangka sa Boracay lumubog; 9 katao nailigtas

NAILIGTAS ang may siyam na katao matapos na lumubog ang sinasakyan nilang motorboat sa isla ng Boracay alas-diyes ng umaga ng Linggo.

Na-rescue ng Philippine Coast Guard ang siyam sa dagat, 2.5 milya ang layo mula sa hilagang bahagi ng Boracay matapos lumubog ang sinasakyan nilang bangka na pinangalanang “Karien.”

Ayon sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, lumubog ang bangka matapos na tumama ito sa isang matigas na bagay at binayubay ng malakas na alon.

Ang siyam na pasahero ng bangka na pawang mga taga Bosay, San Jose, Romblon ay sina:

  • Raymond Capispisan, 39, owner at operator ng motorboat

  • Bendilino Capispisan, 25, boat crew;
  • Roland Capispisan, 15;
  • Benjie Cabangon, 25;
  • Reyland Pablo, 25;
  • Shirley Capispisan, 29;
  • Mardilyn Ampaso, 41;
  • Jayson Enrique, 28; and
  • Teodorico Capispisan, 38.

Julian Labores

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply