17 milyon Pinoy, uhaw sa malinis na tubig

LABIMPITONG MILYONG Pilipino ang walang mainom na malinis na tubig.

Ito ang problema ng bansa na ibinahagi ni Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy sa isang talumpating binasa niya para sa katatapos lamang na pagtitipon sa Seoul, South Korea na tinawag na “Parliamentarians for Water in Asia.”

Ani Herrera-Dy, nararapat na magkaroon ang Philippine government ng single water agency na lulutas ng kawalan ng mapapagkunan ng ligtas na tubig ng milyon-milyong Pilipino.

Maari ikang ang problemang nararanasan sa Pilipinas ay katulad din ng suliraning kinakharap ng iba pang bansa sa Asya.

Nagbabala si Herrera-Dy na lalala pa ang kakulangan sa ligtas na maiinom na tubig di lamang sa Asya kundi sa buong mundo dahil sa climate change at kapabayaan ng tao.

Inudyukan din ng mambabatas ang mga Asian lawmaker na magsulong ng isang legislative agenda na magpapatupad ng mahigpit na alituntunin para sa pagtitipid ng tubig sa kani-kanilang mga bansa.

Iminungkahi rin niya sa kaniyang mga kapwa kongresista sa Pilipinas na repasuhin ang batas ukol sa water industry at magpatupad ng “tariff structures to regulate (the) demand (for water).” Meliza Maluntag

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply