19 Filipinos, pinalaya na ng mga piratang Somali

NAKALAYA na ang 19 na Pilipinong seafarers matapos pakawalan ng Somali pirates nitong Sabado, December 11, ang Liberian-flagged at Greek-owned na barkong MV Eleni.

Ito ang nabatid ng Philippine Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa Philippine Embassy sa Nairobi.

Ayon sa DFA, ang sasakyang pandagat na may lulang 23 seafarers na Pilipino, Romanian, at Indian ay na-hijack 50 miles off the coast of Oman noong nakaraang Mayon 12.

Papunta sana ang MV Eleni sa Kandla, India.

Nakikipag-ugnayan sa ngayon ang DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs sa manning agency ng mga Pilipinong mandaragat pati na sa vessel owner para sa repatriation ng seafarers.

Mayroon pang 82 na Pilipinong mandaragat sa anim pang barko ang di pa nakakalaya sa kamay ng Somali pirates, ayon sa DFA.

Ayon sa departamento, patuloy itong nakikipag-ugnayan sa mga local manning agency para sa agaran at ligtas na paglaya ng iba pang Filipino seafarers.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply