19 marino ng MV Eleni-P nakauwi na ng Pinas

MATAPOS ang pitong buwang pagkakabihag ng mga pirata, nakauwi na ang 19 marino sa Pilipinas noong Linggo.

Batay sa report ng dzBB, dumating ang 19 na marino sa Ninoy Aquino International Airport noong Linggo lulan ng Emirates flight, isang linggo matapos ang pagpapalaya.

Pinalaya ang 19 na marino ng mga pirata mga unang linggo ng Disyembre sakay ng MV Eleni-P.

Kinubkob ng mga pirata ang naturang barko noong Mayo 12, malapit sa Oman. Papunta ang naturang barko sa Kandla, India.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply