2 bagyo nakaamba bago matapos ang taon

POSIBLENG makaranas ang Pilipinas ng dalawa pang bagyo bago matapos ang taon, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon kay PAGASA forecaster Romy Cajulis, wala pa namang senyales ngayong linggo na may paparating na low-pressure area na magiging bagyo.

“We expect one to two cyclones this December. But for now there is no weather disturbance yet. Everything is clear for now,” saad ni Cajulis .

Wala namang ibinigay ang PAGASA ng eksaktong araw kung kailan mararanasan ng bansa ang pagdating ng bagyo.

Ang mga naturang bagyo na may codename na “Luis” at “Mario” ang inaasahang magiging  ganap na bagyo at papasok sa Philippine area of responsibility.

Saad pa ng PAGASA, mararanasan ng Luzon ngayong Huwebes ang katamtaman at paminsan-minsang lakas ng hangin.

“The whole country will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms,” ayon sa PAGASA sa kanilang 5 a.m. bulletin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply