2 bangkay natagpuan sa Quiapo

DALAWANG bangkay na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa Quiapo Manila, Biyernes ng madaling-araw.

Ayon sa report ng dzBB, nakita ang mga bangkay na walang pagkakakilanlan na nakasubsob sa Maria Carpena Street, Quiapo.

Nakarekober ng empty bullet shells malapit sa biktima na hinihinalang namatay ang mga ito sa pamamaril.

Ang isang biktima ay may taas na 6 ft, at tinatayang may 25 na edad habang ang isa naman ay nasa 5’1″ ang taas at tinatayang nasa 35 anyos.

Kapwa nakabalot ng packaging tape ang kanilang ulo at kamay habang ang kanilang mga tuhod ay nakatali ng nylon cord.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply