2 Filipina sex slaves ng Kano, tatanggap ng P9M

TATANGGAP ng halos P9 milyon (US$200,000) na restitution trust fund ang dalawang menor-de-edad na Pilipina na naging sex slaves ng isang Amerikanong taga Florida.

Nitong Disyembre 9, pinirmahan na ng mga kinatawan ng Philippine government at US-based trustee ang trust documents para sa dalawang biktima ni Donald Mathias, ayon sa pahayag ng US Department of Justice.

Si Mathias, 64, na taga Davie, Florida, ay nasentensiyahan ng 20 taong pagkakabilanggo noong March 3, 2010 dahil sa pagkadawit niya sa sex tourism sa Pilipinas. Bahagi ang $200,000 restitution trust fund sa multa ni Mathias.

Umamin si Mathias sa US court na naglakbay siya ng Pilipinas noong April at December 2007 kung saan ang pakikipagtalik niya sa dalawang biktima ay ni-record pa niya gamit ang isang video camera.

Inamin din ni Mathias na noong December 2007 ay pinapirma niya ng kontrata ang dalawang Pilipina para maging sex slaves niya.

Ayon sa mga dokumentong hawak ng korte, nagpadala si Mathias ng libo-libong dolyar sa ina ng dalawang biktima mula 2005 hanggang 2008.

Noong December 2008, muling nagbalik si Mathias para makipagtalik sa mga Pilipina ngunit di iyon natuloy dahil naaresto siya ng mga awtoridad sa Pilipinas.

Noong Oct. 14, 2009, inaresto si Mathias ng US authorities mula Miami.

Samantala, ang ina ng dalawang biktima ay sinampahan ng kaso at nasa pangangalaga ng Philippine authorities.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply