2 hinihinalang magnanakaw, patay sa parak

DALAWANG hinihinalang magnanakaw ang binaril ng mga rumespondeng mga pulis  habang sakay ng motorsiklo sa Caloocan, Sabado ng madaling-araw.

Batay sa report ng DzBB’s, naganap ang insidente sa Shelterville Bagumbong, Caloocan City.

Ayon sa inisyal na report, pinahihinto ng mga pulis ang dalawang suspek dahil sa namataan ng mga ito ang kahina-hinalang kilos ng mga suspek.

Nang nilapitan ng mga pulis ang dalawa, nagbunot ng baril ang mga ito at tinangkang paputukan ang mga pulis.

Rumesbak ang mga pulis at nagpaputok na ikinamatay ng mga suspek.

Naganap ang insidente sa kainitan ng paghihigpit ng seguridad sa bansa bunsod ng paparating na Kapaskuhan kung kailan naglipana ang mga magnanakaw at masasamang loob.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply