2 holdaper namasko sa taxi driver

NAMAMASKO lang po.

ItoITO ang magalang na pahayag ng dalawang kilabot na holdaper na nagpanggap na mga pasahero bago bumunot ng dalang baril at tinutukan ang taxi driver saka tinangay ang magdamag na kita nito kung saan hindi pa nakuntinto ay hinulog pa ang biktima sa tumatakbo pang sasakyan sa Navotas City, madaling-araw ng Linggo.

Ang biktima na nagtamo lamang ng mga pasa sa iba’t -ibang parte ng katawan bunga ng paggulong sa kalsada ay nakilalang si Archel Aguilar, 28, ng #175 Batasan Hills, Quezon City.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek na mabilis na nagsitakas matapos ang insidente at tinangay pa ang minamanehong taxi ng biktima na may plakang TVY-894.

Sa isinagawang imbestigasyon pulisya, naganap ang insidente dakong 4:00 ng madaling araw sa tapat ng Caltex Gasoline Station na matatagpuan sa kahabaan ng Road 10, Brgy. NBBS, Navotas City .

Ayon sa ulat ng pulisya, sumakay ang mga suspek sa harapan ng Navotas Bus Terminal at nagpahatid sa Maynila ngunit pagsapit sa naturang lugar ay agad na nagdeklara ng holdap ang mga nagpanggap na pasahero na armado ng hindi nabatid na kalibre ng baril.

Sinabi umano ng mga suspek na namamasko lang po sabay sapilitang kinuha ng mga ito ang magdamag na kita ng biktima na umabot sa halagang P2,800 habang ang isa sa mga holdaper ay kinuha sa driver ang manibela at ito ang nagmaneho sa taxi ni Aguilar.
Habang tumatakbo ng mabilis ang taxi ay biglang binuksan ng isa sa mga suspek ang pinto ng sasakyan at walang awang itinulak sa labas ang nabiglang driver.

Pinalad namang galos lamang ang tinamo ng biktima bago ito agad na nagtungo sa himpilan ng pulisya upang ipaalam ang pangyayari habang tangay ng mga suspek ang taxi ni Aguilar sa kahabaan ng M. Naval St. , Brgy. NBBS, Navotas City.

Bagong Tiktik Desk

Rommel Panizal

December 12, 2010

Matapos magwala sa restobar…..

4 NA MAGKAKABARKADA SAMA-SAMA SA KULUNGAN

WALANG iwanan, Ito ang pinatunayan ng apat na magkakabarkada na magkakasamang bumagsak sa likod ng rehas na bakal matapos arestuhin nang magwala ang mga ito sa isang restobar dahil sa labis na kalasingan sa Navotas City kahapon ng madaling araw.

Nakapiit ngayon sa Navotas City Police habang nahaharap sa patong-patong na kaso ang mga suspek na sina Glen Naval, 31, Alvin Perez, 21, Joseph Javier, 21 at John Michael Santos, pawang mga residente ng Brgy. Sipac Almacen ng nasabing lungsod.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Allan Bangayan, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong 3:05 ng madaling araw sa loob ng Cacamberta Restobar na matatagpuan sa kahabaan ng C-4 Road Brgy. NBBS, Navotas City .

Bago ito, unang pumasok sa restobar ang mga suspek at uminom ng beer at makalipas ang ilang oras na pag-inom nang bigla na lamang magwala ang mga ito dahil sa labis na kalasingan.

Pinagbabato umano ng mga suspek ang mga bote ng beer na nasa ibabaw ng lamesa ng mga ito dahilan upang mabasag ang salamin sa loob ng naturang restobar.

Isa-isa pa umanong pinaghahamon ng mga suspek ang iba pang costumer sa loob ng restobar dahilan upang magtakbuhan ang mga ito papalabas kahit hindi pa nakakapagbayad sa kanilang mga nainom at nakain.

Dahil dito, napilitan nang tumawag sa himpilan ng pulisya ang may-ari ng restobar na si Ernan Perez at pagdating ng mga awtoridad sa Cacamberta ay naabutan pa ng mga ito ang mga suspek sa patuloy na pagwawala.

Natigil lamang ang pagwawala ng mga suspek nang magpakilala ng mga awtoridad na agad na inaresto ang apat na magkakabarka at mabilis na dinala sa himpilan ng pulisya upang pormal na sampahan ng kaukulang kaso. (rommel panizal)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply