2 holdaper ng money changer, kinasuhan na

KINASUHAN na ng robbery at illegal possession of firearms and ammunition ng pulisya ang dalawang naarestong suspek sa panghoholdap ng P7 million cash sa tatlong kawani ng isang money changer sa Pasay City Prosecutors Office.

Ang mga kinasuhan ay kinilalang sina Roger Solapco at Willy Enriquez, alyas Bro.

Nadakip ang mga suspek matapos kilalanin ng mga empleyado ng  Sanry’s  Foreign Exchange na tumangay sa kanilang bitbit na P7 million cash matapos mahagip ng close circuit television (CCTV) camera ng Metropoint Shopping Center, sa Sitio Manggahan 2, Merville, Parañaque City.

Ayon kay Pasay City police chief Sr. Supt. Napoleon Cuaton, una nilang natunton si Solapco bunga ng nakuha nilang impormasyon sa kanyang pamangkin na nagmamay-ari ng ginamit nilang motorsiklo (9628-TP).

Unang itinanggi ni Solapco sa mga pulis na sangkot siya sa panghoholdap subalit nang ipakita sa kanya ang larawan na kuha ng CCTV, umamin at itinuro na ang mga kasamang sina Enriquez, alyas Bro, ang lider nilang alyas Ryan, alyas Maeng, alyas Pilos at isang Jomari.
Kaagad iniutos ni Cuaton ang pagdakip sa mga suspek subalit tanging si Enriquez lamang ang nahuli sa police operation sa Bukid, Sitio Manggahan 2.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre .45 baril at P416,000  na bahagi ng kanilang natangay  na pera.

Nadakip din sa naturang operasyon sina Leo Fuentes, 33, tiyuhin ni Ryan, Cesar Belano, 41 at Nody Bacharo, 25 bunga ng pag-iingat naman ng hindi lisensiyadong baril.

Sinabi ni Cuaton na ibinulgar na rin ni Enriquez na mismong ang driver ng naturang foreign exchange  na hindi muna niya pinangalanan ang nagbigay sa kanila ng impormasyon kaugnay sa pagde-deliver ng salapi. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply