2 linggong Christmas break para sa mga estudyante – DepEd

DALAWANG linggong bakasyon ang ibinigay ng Department of Education (DepEd) sa mga estudyante sa elementarya at high school sa mga pampublikong paaralan na magsisimula na sa Disyembre 17.

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, babalik sa eskwela ang milyun-milyong estudyante kasama ang mga guro at mga empleyado ng DepEd sa Enero 3, unang Lunes ng 2011.

Kasabay nito, muling pinaalalahanan ng DepEd ang mga school official na gawing simple at makabuluhan ang Christmas party ng mga mag-aaral at hindi ito exempted sa no collection policy ng kagarawan.

Inihayag ni Luistro na hindi dapat obligahin ang mga mag-aaral at mga magulang sa anumang kontribusyon sa anumang ihahanda para sa selebrasyon ng kapaskuhan at sa halip, ipaliwanag sa mga bata ang tunay na diwa ng Pasko.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply