2 Malaysians pinalaya ng Abu Sayyaf

PINALAYA na ng Abu Sayyaf ang dalawang Malaysian laborer kahapon, sampung buwan matapos silang dukutin ng teroristang grupo.

Ayon sa ulat ng Associated Press, namataan ng mga pulis ang dalawa malapit sa bayan ng Bongao sa probinsiya ng Tawi-Tawi nitong Martes.

Ayon pa rin sa ulat, sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Raul Bacalzo na iniwan ng Abu Sayyaf ang hostages matapos na paligiran ang dalawa ng mga awtoridad ng gobyerno.

Dinukot ang dalawang Malaysian noong Pebrero 8, 2010 mula sa isang seaweed farm sa Sabah pagkatapos ay isinakay sila sa speedboat patungong Mindanao. Remate.PH

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply