2 oil companies nagrollback

MULING nagpatupad ng bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang dalawang kumpanya ng langis epektibo kahapon ng hating gabi.

Nagtapyas ng P0.25 ang Chevron Philippines at Seaoil sa kada litro ng kanilang Diesel at Regular Gasoline alas-dose ng madaling araw kanina. Matatandaan noong nakaraang linggo, nagpatupad ng rollback ang Chevron Philippines, Eastern Petroleum, Petron Corporation, Phoenix Petroleum, Seaoil at Total Corporation sa kada litro ng kanilang Diesel at Kerosene ng P0.50 habang P0.25 sa Unleaded Gasoline.

Ang rollback ay matapos magpatupad ang mga oil companies ng karagdagang P2.00 bayad sa kada litro ng diesel at kerosene, habang P1.50 sa gasoline at P0.75 sa regular gasoline.

Samantala, ayon naman kay Independent Philippine Petroleum Companies Association, President Fernando Martinez, malaki ang posibilidad na magtuluy-tuloy pa ang rollback kung bababa ang bentahan nito sa pandaigdigang pamilihan at lalakas ang piso kontra dolyar.

Samantala, sa susunod na lingo na ang panibagong dagdag singil sa presyo ng Auto Liquefied Petroleum Gas (LPG) para mga sasakyang ginagamitan nito.

Ayon kay  LPG Marketers Association (LPGMA) party-list Rep. Arnel Ty na papalo sa mahigit P30 ang dagdag singil sa kada litro ng Auto LPG.

Base sa datos mula sa Department of Energy, ang halaga ng Auto LPG gas sa kasalukuyan ay mahigit labing limang piso lamang.

Inihayag din ni Ty na sa susunod na linggo ay magkakaroon din ng pagtaas na dalawang piso kada kilo ng LPG tank.Johnny F. Arasga

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply