2 patay, 3 sugatan sa pamamaril sa Bukidnon

TATLONG di pa nakikilalang lalaki ang nanloob at namaril sa isang tahanan sa Bukidnon kung saan dalawa ang namatay habang tatlo naman ang sugatan, umaga ng Miyerkules.

Ayon sa report ng dzXL, naganap ang naturang insidente sa mismong bahay ng mga biktima sa Sitio Ingmanon sa Impalutao village sa bayan ng Impasug-Ong , Bukidnon province.

Nakilala ang mga biktima na sina Richa Montera, 50; at Randy Armojalla Ayunon, 25 habang sugatan naman ang mag-asawang sina Linda at Joahara Richa at ang kanilang anak na si Analisa.

Batay sa inisyal na report ni Bukidnon police provincial chief Senior Superintendent Nerio Bermudo,  ang tatlong di nakilalang kalalakihan ay biglang pumasok sa bahay ng mga biktima at pinagbabaril ang mga ito gamit ang cal. 45 at 9-mm pistol.
Inaalam pa rin ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo ng mga ito pagpaslang sa mga biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply