2 tepok sa engkwentro sa North Cotabato

DALAWANG barangay tanod ang binawian ng buhay makaraang makaengkuwentro ng mga ito ang isang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pagitan ng Aleosan at Pikit sa North Cotabato kagabi.

Ayon kay 7th Infantry Battalion Commander Domingo Gubuay, nagsasagawa ng security patrol operations ang mga tanod sa Barangay Langayen nang makasalubong ng mga ito ang may 20 rebelde sa Sitio Hill Side.

Sinabi ni Gubuay na pinamumunuan ang mga rebelde nina Kumander Sagko, Kutib at Nasser Sampayan sa ilalim ng 105th MILF Base Command ng Bangsamoro Armed Forces (BAF).

Inihayag naman ni Pikit Chief of Police Elias Dandan na mahigit sa 300 pamilya mula sa Barangay Dungguan sa Aleosan at Langayen sa Pikit ang lumikas dahil sa takot na maulit ang bakbakan.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply