2 tulak tiklo sa Caloocan

BAGSAK sa kulungan ang dalawang kilabot na drug pusher matapos maaresto ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City.

Ang mga hinihinalang tulak na kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng District Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (DAIDSOTG) habang nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (anti-dangerous drugs law) ay nakilalang sina Ronnie Cañaviral, 27 at Ma. Luz Verances, 40, kapwa residente ng Bagong Barrio West, ng nasabing lungsod.

Base sa nakalap na impormasyon sa DAIDSOTG, dakong 11:15 ng tanghali nang magsagawa ng magkahiwalay na buy-bust operation ang mga awtoridad laban sa dalawang suspek.

Bago ito, unang nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa umano’y talamak na pagbebenta ng dalawang suspek ng droga sa kanilang lugar kaya’t agad na nagsagawa ng surveillance operation ang mga tauhan ng DAIDSOTG.

Nang maging positibo ang impormasyon ay bumuo ng dalawang grupo ang mga awtoridad at magkasabay na nagsagawa ng buy-bust operation malapit sa mga bahay ng dalawang drug pusher.

Nang inaabot na ng mga drug pusher ang droga ay agad na dinakma ang mga ito nang mga pulis na nakakubli malapit sa pinag-usapang lugar habang ang suspek na si Cañaviral ay tinangka pang manlaban sa mga awtoridad ngunit matapos ang ilang sandali ay tuluyan na itong nadakip.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply