2 Volcanic quakes naitala sa Bulusan

DALAWANG volcanic quakes ang naitala ng Philippine Institute and Volcanology and Seismology sa 24 oras ngayong Biyernes.

Sa kanilang 8 a.m. update, nagiging sagabal umano ang makakapal na ulap upang maobserbahan kung mayroon ngang steaming activity sa crater nito.

“Likewise, no measurement of Sulphur dioxide (SO2) emission rate was conducted yesterday due to rainy weather,” saad sa kanilang update sa website ng Phivolcs.

Nananatili namang nasa Alert Level 1 ang Bulusan at patuloy pa ring pinag-iingat ang mga residente sa 4-km Permanent Danger Zone (PDZ).

Samantala, batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, tinatayang P12.264 milyong mga pananim na ang nasisira na ng pagiging aktibo ng Bulusan simula pa noong nakaraang buwan.

Batay sa kanilang 4 p.m. Thursday update, sinabi ng NDRRMC na matinding naapektuhan ang mga pananim tulad ng saging, gulay, root crops at bunga ng punong-kahoy.

Nabatid pa sa NDRRMC na apektado ang 80 ektarya sa bayan ng Irosin at Juban. Apektado rin ang mga pananim sa Bolos at Cogon sa Irosin; Puting Sapa, Buraburan, Garuyan, Calmayan at Calanusan sa Juban.

Sa 80 ektaryang naapektuhan ng aktibidad ng Bulusan, 56 dito ang maaari pang makarekober habang ang 24 na ektarya naman ay matindi na ang natamong napinsala.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply