2011 national budget, ampaw anang ex-natl treasurer

NAGPAHAYAG ng pagkadismaya ang mga tutol sa P1.645 trilyong 2011 budget na maagang nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III nitong Lunes.

Ani University of the Philippines professor Leonor Magtolis-Briones, lead convenor ng Social Watch Philippines, mas maraming problema kaysa solusyon ang idudulot ng bagong national budget.

Karamihan umano sa mga aloksayon nito ay di makakatugon sa mas komprehensibong paglutas ng lumalalang kahirapan sa bansa.

“They put more emphasis on the time in signing into law the budget measure but not its content and substance,” ani Briones, dating national treasurer.

Bagama’t mas mataas ang 2011 budget sa P1.54 trilyong pondo nitong 2010, nangangamba sina Briones na hindi ito sapat upang tugunan ang anti-poverty programs ng gobyerno lalo na dahil sa kakulangan sa transparency pagdating sa lump sum allocations.

Dahil walang transparency sa budget deliberation, nabalewala ang partisipasyon ng publiko sa pagtitiyak na makamahirap at totoong magsusulong ng pag-unlad para sa nakararami ang General Appropriations Act of 2011, ayon sa Social Watch Philippines na siyang nagbuo ng Alternative Budget Initiative.

Umapela si Briones sa iba’t ibang grupo at organisasyon sa bansa na maging mapagmatyag sa gobyerno sa paggugol nito sa pera ng bansa, lalo na sa lump sum appropriations na tanging ang Pangulo lamang ang maaaring makapagpasya. Meliza Maluntag

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply