2011 Operation bawas timbang!

ILANG oras na lang at matatapos na ang 2010 at tiyak na isa sa tututukan  ngayon ang pagbabawas ng timbang.  Hindi maikakaila na maging ang mga health conscious ay pansamantalang nagbakasyon sa kanilang regular diet at exercise dahil sa kabi-kabilang parties sa pagpasok ng Disyembre.  Siyempre nakatutukso ang masasarap na putaheng nakahain at hindi natin mapigilan ang hindi tikman.

Simple lang naman ang sekreto ng pagbabawas ng timbang ayon sa Food and Nutrition Research Institute (FNRI), isang ahensiya ng Department of Science and Technology (DST).  Gawing hinay-hinay, samahan ng pagtitiyaga at determinasyon ang nais mong gawing pagbabago sa katawan at tiyak na makakamit ang minimithing timbang.

Ayon sa FNRI, ang pagbabawas ng timbang ay hindi nangangahulugan na isakripisyo ang sarili o magpalipas ng gutom dahil bawat isa’y may pangunahing nutritional requirement na dapat matugunan sa araw-araw.

Ang susi dito ay kalimutan ang mabilisang resulta ng layunin mong magpapayat kundi gawin itong regular kahit matagalan kasama na ang pagbabago ng lifestyle.

Kakambal ng healthy lifestyle ang pagtigil sa paninigarilyo at pag-inom ng labis ng alak.  Iwasan ang mga pagkaing mamantika; kumain ng gulay at prutas na sagana sa fibers gaya ng prutas, gulay at
cereals; tiyakin na nagagawa mo ang iyong regular meal—hindi tugon ang pagpapalipas ng gutom; gawing katamtaman ang pag-inom ng alak (less than 1 drink per day for women and less than 2 drinks/day for men); ugaliin ang regular na pag-e-ehersisyo mula 20-30 minuto kada araw para pagpawisan.  Ilan dito ay paglalakad (brisk walking), pag-akyat-panaog sa hagdanan at mga gawaing bahay na simpleng
nakapagsusunog ng  calories sa katawan.

Mga panganib dulot ng labis sa timbang

Alam ninyo ba na mataas ang panganib na dulot ng pagkakaroon ng labis na timbang sa mga Pinoy kapag tuluyang napabayaan? Sakit sa puso, diabetes at hypertension.

Sa 2008 survey ng PNRI , 2.7 porsiyento ng Filipino adults na nasa edad 20-pataas ay nagdaranas ng ‘impaired fasting glucose’, samantalang ang hyperglycemia o high fasting blood sugar (FBS) level ay 4.8 porsiyento.

“The prevalence of hypertension among adults is 25%, increasing with age starting from age 40-49 years,” ayon sa FNRI.
“Diabetes is a desease characterized by elevated blood sugar levels due to deficiency or absence of insulin which is needed to utilize blood sugar to turn it into energy.  It causes sugar levels in the blood to increase.  Individuals having fasting blood sugar level equal to or greater than 100-125 milligrams per deciliter (mg/dl) are considered having impaired glucose level, while those with blood sugar level equal to or greater than 125 mg/dl are classified as diabetics,” ayon pa sa FNRI.

Ilan sa mga sintomas ng diabetes ay ang madalas na pag-ihi, labis na pagkauhaw, laging gutom, biglaang pagbaba ng timbang, panghihina at pagkahapo, matagal na paggaling ng sugat kung meron o gum infection, pagkahilo, pamamanhid ng kamay at paa, pangangati ng balat at ari, at paglabo ng paningin.

“Hypertension is a disorder characterized by sustained systolic blood pressure reading equal to or more than 140 millimeter mercury (mmHg) and/or a diastolic blood pressure reading of 90 mmHg.”
Ang hypertension ay nakapagpapataas ng panganib sa pagkakaroon ng sakit sa puso.

Ayon pa sa ahensiya, sa pamamagitan ng health data na ito, ipinakikita nito na panahon na para sa mga mambabatas na magdebelop ng angkop na mga polisiya at stratehiya upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na tumataas ang timbang.

Fad diets mapanganib

Sa kasalukuyan, maraming mga nagsulputang mga pamamaraan para sa mabilis na pagpayat gaya ng fad diets, diet pills, at fasting. Malakas ang impluwensiya nito sa ngayon para makaakit ng mga indibiduwal na nais pumayat.  Katunayan ang iba dito ay ‘over the counter’ o mabibili kahit walang reseta.

Iginiit ng health experts mula sa FNRI na maaaring maging mapanganib ang ganitong ‘instant slimmers’ o mga gamot na mabilis makapagpababa ng timbang.  Posibleng tamaan nito ang puso at iba pang bahaging panloob ng katawan.

Kaya napakahalaga na mag-ingat sa paggamit ng mga ito at mas makabubuting kumunsulta muna sa mga doktor o dietitian bago gumamit nito.

“To reduce weight, take the advice of the nutritionists to go natural, healthily, and sustainably, like losing weight by eating less food or less high-energy foods and exercising more,” payo pa ng FNRI.

ISANG MALUSOG NA BAGONG TAON SA LAHAT! Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply