2nd Presidential Gold Cup tilt target ni Ibarra

MASASAKSIHAN ng mga racing aficionados ang pinakahihintay na 38th Presidential Gold Cup race na gaganapin darating na Linggo sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Walong respetadong kalahok kabilang ang couple entries ang mag-uunahan sa distansyang 2,000 meter race kung saan ay P1.5M ang naghihintay para sa unang tatawid ng meta.

Nais maduplika ni 2008 Philippine Sportswriters Association, (PSA) horse-of-the-year awardee Ibarra, ang titulo na nakuha niya dalawang taon na ang nakalipas.

Hindi nakasali upang madepensahan ang kanyang titulo ang pag-aari ni Mandaluyong mayor Benhur Abalos na si Ibarra nakaraang taon kung saan ay si Don Enrico ang umagaw sa kanyang korona.

Samantalang si Don Enrico naman ang hindi kasali sa nasabing prestihiyong karera ng taon kaya naman inaasahan na papatok sa takilya ang super horse na si Ibarra subalit ayon sa ibang karera veterans ay bebenta rin ang ibang kalaban nito tulad ni Go Army na kapapanalo lamang sa San Miguel-MARHO (Metropolitan Association of Race Horse Owners) Cup 2,000-meter Classic.

Ang ibang kalahok ay sina Native Land, 2007 Gold Cup winner at kakamping si Shining Fame, 2008 3rd leg btriple crown winner, 2010 1st at 2nd TC king Yes Pogi, 2009 two-leg TC ruler, Heaven Sent couple etring si Lively Dude at Righthererightnow.

May nakalaan din na P500,000 sa second placer, P250,000 sa third placer at P125, sa fourth placer ayon sa pagkakasunod habang P50,000 naman ang sa Breeder’s purse at may added prize din na P1M para lang sa mananalong kabayo na inisponsoran ng PHILRACOM.

Si 2009 PSA jockey-of-the-year awardee Jessi B. Guce ang gagabay kay Ibarra.

Ang PGC race ay nagsimula pa noong 1973 kung saan ay si Sun God na nirendahan ni Jesus “El Maestro” Guce ang kauna-unahang kabayong nanalo.

Itatampok din ngayong Linggo ang Philippine Sportswriters Cup na inorganisa ng Philracom. Elech Dawa

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply