2nd runner-up sinikwat ng Remate

INIUWI ng Team Remate ang 2nd runner-up trophy matapos durugin ang Team Hataw sa pagtatapos ng Remate/Ahon Foundation Inter-Publication Basketball Tournament kahapon sa San Andres Sports Complex,  San Andres, Manila.

Parang ibong binalian ng pakpak ang Hataw na hindi na pinaporma ng Remate upang masiguro ang ikatlong pwesto sa torneo kung saan nagkampeon ang People’s Tonight at naging 1st runner-up ang Philippine Star.

Lilima lang ang dumating sa manlalaro ng Remate samantalang ang Hataw ay sampu.

Subalit kahit lilima ang manlalaro ay parang agila ang mga ito na nakipagbakbakan kontra sa walang kapagurang Team Hataw na gumamit ng kanilang husay sa 3 points region.

Nanguna sa Team Remate sina Reniel Garcia na kumamada ng 36 points, Jun Jun Aldaba, 20 points at Jesus David, 39 points.

Hindi naman nagpahuli ang pambato ng Remate na si Nelson Mabirit na nagbuslo ng 23 points at Rico Navarro na may 15 points.

Nagpapasalamat ang Remate kay Rey Bautista, owner ng Players Move na matatagpuan sa Biñang 2nd, Bocaue, Bulacan na nag-sponsor ng kanilang uniform.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply