3 masuwerteng OFWs sasalubungin ni PNoy

ILANG piling overseas Filipino workers (OFWs) ang masuwerteng tatanggap ng regalo mula kay Pangulong Noynoy Aquino sa kanilang pag-uwi sa bansa sa Miyerkules.

Tatlo sa OFWs ang mag-uuwi ng tig-P500,000 sa pa-raffle ni Aquino matapos manalong pangulo nitong nakaraang May 2010 automated elections at pagpapatuloy sa “Presidential Salubong” na ginagawa ng pamahalaan tuwing sasapit ang panahon ng Kapaskuhan.

Bukod sa kanilang mga kamag-anak, kasama si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa mga sasalubong sa darating na OFWs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kasama ni Aquino na sasalubong sa mga OFWs sina Department of Labor and Employment Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Carmelita Dimzon.

Ang programa na pagsalubong sa mga OFW ay ginagawa ng pamahalaan bilang pasasalamat sa malaking kontribusyon ng mga migranteng manggagawa sa ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng ipinadala nilang remittances.

Kamakailan ay inihayag ni Gov. Amando Tetangco Jr. ng Bangko Sentral ng Pilipinas, na umabot sa $1.673 bilyon ang ipinadalang pera ng mga OFW sa Pilipinas nitong nagdaang Oktubre.

Mula Enero hanggang Oktubre, umabot sa kabuuang $15.456 bilyon ang ipinasok na pera ng mga OFWs sa bansa sa nakalipas na 10-buwan pa lamang.

Nitong Disyembre 6, pinarangalan ni Aquino ang pamilya ng mga OFW na tinanghal na “Model OFW Family of the Year Awards 2010”.

Ang mga pinarangalang pamilya ng mga OFW (land at sea-based) ay pinangunahan nina pamilya ni Engineer Ermie at Teodorico Garon, Jr., ng Tarlac City, at Victor at Sandra dela Cruz ng Puerto Princesa, Palawan. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply