3 NPA patay sa engkwentro sa Compostela

Patay ang tatlong hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) habang isang sugatang amazona ang nadakip makaraang makaengkuwentro ang mga nagsasagawa ng combat patrol operation sa Moncayo, Compostela Valley.
Ayon kay Philippine Army 10th Infantry Division Spokesperson Lt. Col. Medel Aguilar,  nagsasagawa ng combat patrol operation ang mga tauhan ng 25th Infantry Battalion ng Philippine Army nang maispatan nila ang mga rebelde.
Tumagal ang labanan hanggang 15 minuto kung saan narekober ng mga sundalo ang bangkay ng tatlong rebelde habang agad namang dinala sa Military Hospital sa Davao City ang sugatang amazona na si Leah Palma alyas “Ka Tanya”.
Nakarekober din ang mga sundalo ng limang armalite rifle, isang garand rifle, isang carbine at dalawang improvised explosive device.
Inihayag ni Aguilar na ito na ang ikalawang engkwentro ng militar at mga rebelde sa Compostela Valley ngayong buwan.
loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply