4 Cebu govt execs, guilty sa P11-M graft case

APAT na government official sa Cebu City ang napatunayang nagkasala ng graft matapos silang makalikom ng higit sa P11 milyong cash advances.

Sa 43-pahinang desisyon ng Fisrt Division ng Sandiganbayan, sinabi nitong lumabag ang apat sa Section 3(e) ng Republic Act 3019 o ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Nasentensiyahan ng pagkakakulong mula anim na taon at isang araw hanggang walong taon sina Alan Gaviola, dating city administrator; Eustaquio Cesa, dating city treasurer; Benilda Bacasmas, dating cash division chief; at Edna Jaca, dating city accountant.

Iniutos din ng anti-graft court na bayaran ng apat ang kabuuang P11,180,033.92 cash advance na naipon simula September 1995 hanggang March 1998.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply