4 sa PNoy cabinet nakalusot na sa CA

KINUMPIRMA ng Commission on Appointment ng Kongreso ang apat na miyembro ng Gabinete ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Walang kahirap-hirap na nakalusot sa kumpirmasyon ng CA sina Public Works Secretary Rogelio Singson, Agriculture Secretary Proseso Alcala at Tourism Secretary Alberto Lim.

Si Education Secretary Armin Luistro ay nakalusot din, ngunit matapos lamang ganapin ang isang closed-door meeting ng House panel.

“Sila ang unang batch ng masusuwerteng Cabinet member. Good para kay PNoy iyan,”wika ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III.

Ngunit hindi naman pinalad si Energy Secretary Jose Almendras, ang kauna-unahang miyembro ng Gabinete ng kasalukuyang administrasyon na inilingan ng CA.

“Magaling pa naman si Almendras, pero maraming reklamo sa kanya. ‘Yung iba, walang kinalaman sa pagkatao niya,” paliwanag ni Sotto.

Dalawang beses namang nasalang sa committee level si Lim bago nakalusot sa CA.

“Siya ‘yung isa sa mga kontrobersyal na Cabinet member dahil doon sa ‘Pilipinas kay Ganda’ (controversy), pero siya ang unang na-confirm ng CA,” wika ni Parañaque Rep. Roilo Golez, vice chairman ng CA. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply