4 volcanic quakes naitala sa Bulusan

APAT na volcanic quakes ang naitala ng Philippine Institute and Volcanology and Seismology (Philvocs) sa paligid ng Bulusan Volcano sa Sorsogon  sa loob ng 24 oras.

Ayon sa Philvocs hindi nila maobserbahan kung may steaming na nagaganap dahil sa rain clouds.

“Steaming activity at the crater and known thermal vents was not observed due to thick rain clouds that covered the volcano’s summit during the past observation period. Likewise, no measurement of Sulfur dioxide (SO2) emission rate was conducted (Wednesday) due to rainy weather,” saad ng Philvocs batay sa 8 a.m. bulletin.

Nananatili pa rin ang alert level 1 sa Bulusan at pinaalalahanan ang mga residente na huwag pumasok sa 4-km permanent danger zone dahil mapanganib pa rin ang lugar sa mga posibleng matitinding steam at pagbuga ng abo.

“Because of the prevailing wind direction, people residing in the northwest and southwest sectors of the volcano are reminded to take precautions against ash falls,” dagdag pa rito.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply