58th Famas Awards presentation peke

ANG isa sa mga matinding reaction sa kapalpakan at kaguluhan ng FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts & Sciences) sa ginanap na 58th awards presentation no’ng Lunes ng gabi sa GSIS Theater ay ang pagpapadala ng Film Academy of the Philippines (FAP) ng sulat kay Pres. Noynoy Aquino upang ilahad na ang FAMAS noong gabing ‘yon ay peke! Mayroon daw ibang FAMAS, ‘yong original and the real one!

Ang FAMAS ay ang pioneer sa bansa sa paggawad ng ibat-ibang kategorya ng awards sa pelikula, at tuloy-tuloy hanggang nahati ito humigit sampung taon na ang nakaraan!

Kinabukasan ng 58th FAMAS awards presentation, tayo po ay  tumanggap ng ilan tawag sa telepono at sinabi nila na, “Pare, palpak na palpak ang FAMAS at ang gulo” na ang tinutukoy ay ang uri o pagkagawa ng programa.

Kahit binabati natin ang FAMAS dahil nakaraos na naman sa paggawad ng mga ibat-ibang parangal, ito ay hindi sapat dahil ang awards ceremonies ay dapat ay kagalang-galang o prestigious at may integridad!

Nagalit pa daw si Arnel Ignacio dahil hindi tama ang pagpakilala sa kanya, at mismo doon sa entablado ay nilait niya ang FAMAS.

Si Secretary Sonny Coloma ang guest of honor and speaker ngunit ginawa pa siyang presenter ng trophy. At wala naman daw yong awardee na tatanggap ng trophy. “I’ll accept this trophy in behalf of the awardee,” ani na lang ang sekretaryo.

Ganon din ang nangyari kay Grace Poe Llamanzares, chairperson ng Movie & Television Review & Classification Board (MTRCB). “Where is the awardee?” Ito ang  tanong sa halos kabuuan ng programa! Halos 80% ng mga awardees ang hindi sumipot. Patunay lang ito na kulang ang coordination, dahil kung dumating ang mga nominees, segurado na nandoon din ang tatanggap ng award.

Ayaw namin – kayo din siguro – mabubuwag ang FAMAS dahil more than half century na ito mula pa noong maitatag. Malaki din ang nagawa ng FAMAS sa pagpapaunlad ng Pelikulang Pilipino, dahil naitaguyod niya ang excellence sa maraming aspeto ng industriya, sa paraan ng paggawad ng mga ibat-ibang parangal. Nagbibigay ng inspirasyon ang FAMAS at dito nagsimula ang katagang “pang-FAMAS ‘yan,” kung ang pag-arte halimbawa ang pag-uusapan!

Ngayon, hintayin natin ang isasagot ni Pres. Aquino sa sulat ng FAP!

Kung peke yong FAMAS na gumanap ng 58th FAMAS presentation of awards, agad-agad sana na ilabas ang tunay upang maibalik ang tiwala sa FAMAS, dahil kailangan ng local movie industry. Ito ang tinagurian na counterpart ng Oscars sa America dito sa Pilipinas!

Anyway, ang “Dukot” ang nanalong “Best Picture” at si Allen Dizon ang “Best Actor.”

Sa pelikulang “Sagrada Familya,” si Love Poe ang “Best Acress,” at si Gloria Diaz ang “Best Supporting Actress” at si Emilio Garcia ang “Best Supporting Actor.” “Best Director” din si Joel Lamangan for “Dukot.” Nardz Belen

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply