6 taon kulong sa sobrang maningil ng placement fee

MALAPIT nang matapos ang paghihirap ng overseas Filipino workers (OFWs) sa pagbabayad ng libu-libong placement fees para makakuha ng trabaho sa abroad sakaling pagtibayin ng Kongreso ang panukalang tutugon sa naturang problema.

Base sa Senate Bill No. 2601, nais ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na ipakulong nang hanggang anim na taon at pagbabayad ng multang P100,000 hanggang P500,000 sa sinumang recruiter na mapatutunayang naniningil ng sobrang placement fees na taliwas sa itinakda ng pamahalaan.

Pinapayagan ang recruitment agencies na mangolekta ng placement fees upang tugunan ang gastusin sa pagproseso ng aplikasyon na katumbas ng isang buwang sahod ng aplikante.

Kakaunting ahensiya lamang ang tumutupad sa naturang patakaran partikular ang paniningil ng pangkaraniwang halaga ng placement fee, kaya gusto ni Escudero na tuldukan ang sobrang paniningil.

Aniya, dapat magkaroon ng pro-active policy ang pamahalaan upang mabigyan ng proteksiyon ang labor export dahil nakasandig ang ekonomiya sa mga perang ipinadadala ng OFWs sa bansa na nagpapasigla sa pambansang kabuhayan.

Nitong 2009 lamang, umabot  sa 1.5 milyong OFWs ang naipadala sa abroad, o aabot sa 4,000 Filipino kada araw. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply